SANA…

Naranasan mo na bang hilingin na sana ibang tao ka nalang? Naranasan mo na bang mainggit sa ibang tao nang dahil sa s’ya ang gusto ng mahal mo?

Sana ikaw nalang yung kahwak n’ya ng kamay. Sna ikaw nalang yung ihahatid n’ya sa bahay pagkatapos ng date nila at magbibigayan ng goodbye kisses. Sana ikaw yung binibigyan n’ya ng Goodmorning texts at nakikipag away dahil sa I love you more. Sana ikaw nalang yung kasama n’ya ngayon. Sana ikaw nalang yung minahal n’ya at inaalagan. Sana…. Pero hindi eh, kaibigan ka lang, hanggang dun lang.

May pagkakataon na masasabi mo nalang,

Dahil hindi ka malakas na iwanan nalang s’ya. Wala kang kakayanan na itapon nalang basta ang pinagsamahan n’yo dahil mahalaga iyon sa’yo. Hindi mo s’ya kayang hiwalayan dahil sa kanya umiikot ang mundo mo. Pero naisip mo ba, okay lang na masaktan ka? Yung puro sakit nalang ang mararamdaman mo mula sa kanya? Nahihirapan ka, lumuluha at sinasakta ng paulit-ulit. Hindi lang dapat pagmamahal ang pinapairal habang nasa loob ng isang relasyon. Mahalaga yung masaya ka, masaya s’ya, masaya kayo sa piling ng isa’t-isa.

Isipin mo naman yung sarili mo. Msaya ka ba? Mahal mo nga, napapawi ba ang mga problema mo?  Napapagaan ba n’ya ang loob mo? Kung nakakadagdag pa s’ya sa mga bagay na nagpapabigat ng loob mo eh sobra na. Kawawa ka naman. Mahalin mo muna ang sarili mo bago ang ibang tao. Kung hindi ka masaya at nasasaktan ka, ano pang dahilan mo para patuloy na kumapit sa isang relasyon na walang maidulot kundi depresyon at hinanakit? Mag-isip ka, wag kang matakot na mawala s’ya kung s’ya mismo, ginagawang dahilan ang pananakit sa’yo para lumayo ka.

Naranasan mo na bang mainlove sa isang tao at maitanong ito sa sarili mo?

  • Bakit kailangan mong sabihin na nag-unli ka ulit para lang makatext ako?
  • Bakit kailangan mo akong sabihan ng I love you?
  • Bakit ipinaramdam mong mahalaga ako?
  • Bakit ipinadama mo sa akin kung gaano ka kasarap magmahal?

BAKIT? Sa kabila ng pagiging mabuting magkaibigan n’to dati ay umabot kayo sa ganitong sitwasyon kung saan ang isa ay matatalo. Nakakalungkot isipin na nanahimik yang puso mo pero ginising n’ya nang walang kasiguraduhan kung sasaluhin ka ba. Nakakaasar alalahanin na kunwari ang sweet n’ya sayo kaya ikaw nafall ng todo at nung nagtapat ka na, hanggang magkaibigan lang pala ang kaya n’yang ibigay sa’yo. Mahal mo s’ya, mahal ka din nya pero hanggang kaibigan lang pala. Ang sakit diba? Kasalanan n’ya naman eh, kung hindi lang sana s’ya lumapit sa’yo at ipinaramdam kung gaano ka kahalaga, hindi mo naman sya pag-uubusan ng oras sa gabi na iisipin mo bago matulog, hindi mo sya pag-uubusan ng pera para ipangload, makatext lang s’ya. Hayaan mo na, sadyang ganyan ang buhay, at least sa susunod, alam mo na!

May pagkakataon na masasabi mo nalang,

Dahil hindi ka malakas na iwanan nalang s’ya. Wala kang kakayanan na itapon nalang basta ang pinagsamahan n’yo dahil mahalaga iyon sa’yo. Hindi mo s’ya kayang hiwalayan dahil sa kanya umiikot ang mundo mo. Pero naisip mo ba, okay lang na masaktan ka? Yung puro sakit nalang ang mararamdaman mo mula sa kanya? Nahihirapan ka, lumuluha at sinasakta ng paulit-ulit. Hindi lang dapat pagmamahal ang pinapairal habang nasa loob ng isang relasyon. Mahalaga yung masaya ka, masaya s’ya, masaya kayo sa piling ng isa’t-isa.

Isipin mo naman yung sarili mo. Msaya ka ba? Mahal mo nga, napapawi ba ang mga problema mo?  Napapagaan ba n’ya ang loob mo? Kung nakakadagdag pa s’ya sa mga bagay na nagpapabigat ng loob mo eh sobra na. Kawawa ka naman. Mahalin mo muna ang sarili mo bago ang ibang tao. Kung hindi ka masaya at nasasaktan ka, ano pang dahilan mo para patuloy na kumapit sa isang relasyon na walang maidulot kundi depresyon at hinanakit? Mag-isip ka, wag kang matakot na mawala s’ya kung s’ya mismo, ginagawang dahilan ang pananakit sa’yo para lumayo ka.

Hahaha. Duhh.

Hahaha. Duhh.

theme by simplynorule
★ simplynorule