Dapat alagaan natin yung mga tao kung ayaw natin silang mawala. If you want them to stay give them a reason not to leave you. Yan ang buhay eh, ang mga mananatili sayo ay ang mga bagay lang na kaya mong pahalagahan.

Ito ay para sa mga taong hinuhusgahan ng mga tao sa paligid nila.

Para sa mga taong hindi maipakita ang tunay na gusto nila,dahil isang pagkakamali ay madaming komento. May karamay kayo!

Hindi ka naman nabuhay para panindigan ang mga paninira at gusto nilang makita sayo. Maging masaya ka! Gawin mo ang tama at gusto mo. Buhay mo yan,ang tanging kaya lang nilang gawin ay siraan ka at magkomento. :)

Bakit kasi ganun.

shiennapuyatot:

  Mahal mo yung taong hindi ka naman naaappreciate at hindi naman nag eeffort para sayo. Pero hindi mo kayang mahalin yung taong nag eeffort at sobrang naaappreciate ka. Sadly, hindi kasi napipilit ang feelings eh.

Small people problems.

agent-keii:

  • Nakaupo ka sa lapag sa class pictures nung kinder-elementary.
  • Pwede ka ng tumingin ng mga damit na pambata. Kung gusto mo pati sapatos pa.
  • Sayo tatabi ang mga tao sa jeep kasi akala nila hindi ka masisiksik kapag maraming taong sumakay.
  • Pag nasa grocery ka, kailangan mo pang ipaabot ung mga bibilhin mo na nasa itaas.
  • Mahirap magpatangkad kapag may idad na, hindi na nadadaan sa gatas, cherifer at tulog.
  • Kapag mataba ka, punggok ka…
  • Sasabihin na nahakbangan ka nung bata ka pa.
  • Mahirap manuod ng concert o ano pa mang event dahil wala kang makita sa dami ng nakaharang na  matatangkad.
  • Kapag may kausap kang sobrang tangkad, nakatingala ka na para lang makita siyang nagsasalita.
  • Awkward tignan kapag mas matangkad pa ang girlfriend mo kaysa sayo.

Yan nag hirap sa mga tao eh. Kapg hindi napapansin ng mga gusto nila, gagaw ang paraan para makuha ang atensyon. Magpapa cute, magiging caring, laging mag tete-text bigla-biglang magiging affected sa mga nangyayari. Sa sobrang ganda ng pinapakita, magkakagusto din yung gusto nila, at sa oras na yun, mawawala lahat ng mga magagandang katangian na pinapakita n’ya. Iiwas, gustong habulin s’ya nung tao. Kaya nagiging kumplikado lahat eh, hindi ba pwedeng kapag mahal mo, eh mahalin mo. Kapag gusto n’yo isa’t-isa magmahalan kayo? Bawas drama, bawas problema.

Mahirap lumaban, lalo kung kalaban mo yung taong mismong ipinaglalaban mo.
Wag kang masyadong affected sa mga bagay na nangyayari sa kanya, pinakawalan mo at sinayang ang pagkakataon tapos ngayon magre-react ka.

Kung nasasaktan ka, nasasaktan din ako. Ang pinagkaiba lang minahal kita, niloko mo lang ako.

Kung hindi ka gusto, wag ka ng makulit. |Hindi lang naman s’ya ang taong magugustuhan mo, sadyang ipinaparamdam lang sa’yo na hindi lahat ng gusto mo makukuha mo. Ano bang nangyayari sa mga bagay na gusto mo pero hindi mo makuha? Ninanakaw mo diba? Gusto mo ba s’yang nakawin sa iba?

Wag mong iyakan kung alam mong may magagawa kang mas higit pa dun. Makakahanap ka din naman ng mas hihigit pa sa kanya, kung hindi, tanggapin mo nalang ang katotohanan na wala na s’ya.
Yan kasi ang hirap kapag sabit ka lang eh, hindi ka pwedeng mag expect na mamahalin ka din n’ya. ginusto mo yan, tiisin mong masaktan.
Hindi habang buhay, nasa iyo s’ya kaya ingatan mo hanggat kaya mo.

Wag kang maging kampante na ikaw lang ang pwede n’yang mahalin at pangarapin. Ang tao, kapag sobrang nasasaktan nagsasawa din yan, napapagod kaya kahit gaano pa man nila kagusto o kamahal ang isang tao mapipilitan silang iwanan para maranasang maging masaya. Hindi lang ikaw ang tao sa mundo na pwede nyang pag-ubusan ng oras at atensyon, ayaw mo man aminin mas marami pa dyang mas hihigit pa sa’yo pero napakaswerte mo at ikaw ang pinili n’ya.

Ngayong ikaw pa ang pinapahalagahan n’ya at may karapatan ka pang iparamdam na mahal mo s’ya, gawin mo! Kung pwede lang wag mo syang bigyan ng dahilan para hanapin yung mga katangian na wala sa’yo. Kunin mo ang tiwala at alagaan mo s’ya. Sadyang maiisip mo lang ang halaga n’ya kapag nakita mo na sya sa piling ng iba. Hindi pa huli ang lahat, kaya gawin mo na kung ano ang dapat.

Kapag sinabi mong crush mo, lalo kang lalandiin at lalapitan pero kapag sinabi mong mahal mo na, lalayuan ka na at hindi na papansinin.

Hindi naman mahirap magmahal eh. Mahirap lang magpakasaya pag nasasaktan.

Hindi naman mahirap magmahal eh, mahirap lang humanap ng mamahalin ng totoo.

Normal lang na pagsisihan mo ang mga maling desisyon na minsan mo ng nagawa.

May mga pagkakataon lang na nagawa mo ang isang bagay dahil sa masyado kang nagpadala sa nararamdaman mo nung mga panahong iyon. Pero the moment na lumipas o nag-iba na ang feelings mo, dyan ka na mag-uumpisang magsisi. Sana pala hindi mo nalang ginawa, sana hindi muna. Pero huli, ang mahalaga.. NATUTO KA.

theme by simplynorule
★ simplynorule