Small people problems.

agent-keii:

  • Nakaupo ka sa lapag sa class pictures nung kinder-elementary.
  • Pwede ka ng tumingin ng mga damit na pambata. Kung gusto mo pati sapatos pa.
  • Sayo tatabi ang mga tao sa jeep kasi akala nila hindi ka masisiksik kapag maraming taong sumakay.
  • Pag nasa grocery ka, kailangan mo pang ipaabot ung mga bibilhin mo na nasa itaas.
  • Mahirap magpatangkad kapag may idad na, hindi na nadadaan sa gatas, cherifer at tulog.
  • Kapag mataba ka, punggok ka…
  • Sasabihin na nahakbangan ka nung bata ka pa.
  • Mahirap manuod ng concert o ano pa mang event dahil wala kang makita sa dami ng nakaharang na  matatangkad.
  • Kapag may kausap kang sobrang tangkad, nakatingala ka na para lang makita siyang nagsasalita.
  • Awkward tignan kapag mas matangkad pa ang girlfriend mo kaysa sayo.
theme by simplynorule
★ simplynorule